A city rising
Ngayong umaga, pinatakbo ko yung bago naming coffee machine. First time mula noong kinasal kami. Kaya naman nilubos ko na, sinamahan ng dasal, musika, basa ng libro, pag-upo sa balkonahe habang gumigising ang siyudad.
Nasa kaliwa namin ang Laguna de Bay. Ngayon ko lang naabutang paahon pa lang ang araw mula sa tinulugang tubig. Dami pa lang construction sa dalampasigan. Pagbubuo, paninira. Tandang buhay, ngunit may pinapatay.
Malamig pa ang hangin habang hindi pa mataas ang inaabot ng araw. Tinapat ko ang mukha ko’t naipikit ang mata sa ganda ng umaga.
Napangiti.
At biglang napaiyak sa pagkalito: paanong ang mundong ito ay tahanan nitong mga tahimik at malumanay na umaga, at ng tuluy-tuloy na galit at hinanakit?
Ang mga sinag ba ng araw na ito ay siyang pinagsamang hikbi ng mga tao?
“We hear your wars. Love letters don’t travel that far”, sabi kagabi sa Doctor Who. Also, “humans can hold and believe two opposing ideas at one time.”
Good morning to this broken yet beautiful place holding broken yet beautiful people.
This broken yet beautiful place holding broken yet beautiful people.